Sabado, Oktubre 2, 2010

LIFE AND TIMES









DIVINE MASTER RUBEN EDERA ECLEO,SR.
Supreme President and Founder
Philippines Benevolent Missionaries Association Incorporated


TAGALOG VERSION

 “The Miracle of the South” ay kasaysayan sa buhay at panahon ni Divine Master Ruben Edera Ecleo,Sr., ang kataas-taasang Pangulo at tagapagtatag ng Philippines Benevolent Missionaries Association Incorporated. Isang samahan na nauugnay sa buhay ispiritual at sa materyal na buhay.

                Bagamat ang kanilang pagkatao’y nababalot sa hiwaga at misteryo, at naglalahad at nagpapakita ng mga kababalaghan sa mga saksi sa kaniyang mga gawain, ang kasaysayan ng kanyang buhay ay isanaylaysay at ipinahayag ayon sa kaniyang kautusan at sa mga miyembro ng Spiritual Division. Ito ay isinulat upang malaman ang kaniyang pinagmulan at mga layunin sa buhay dito sa daigdig.

                Si Divine Master, Dr. Hugh Tovar, Capt. Caple Jury at Gen. Adriano dela Concepcion na kapwa miyembro ng World Spiritual Division at nagrepresenta sa apat na sulok ng daigdig, ay nagsipagpahag ng kani-kanilang talambuhay sa pamamagitan ng katauhan ni Divine Master Ruben Edera Ecleo, Sr., ito ay naganap noong ika-29 ng November, 1983 sa ganap na ika 7:00 ng gabi, sa Presidential House, Baltazar, Dinagat, Surigao Del Norte.

                Subalit ang akda ay tumanggi sa kanila sa kadahilanang siya ay mangmang sa pagsulat; datapuwat ganon na lamang ay nagsasalita ang Divine Master. “Naniniwala ka ba na ang lahat ng karunungan ng tao sa mundong ito ay nagmumula sa Diyos?”

                “Kung naniniwala ka, bakit hindi ka maniniwala sa akin? Ito ang iyong tatandaan kung susundin mo ang aming kautusan, kung ako man ang nag-utos sa iyo sa pagsulat ako din ang magtapos”.

                “Bakit po ako Master? Hindi ako karapat-dapat sa tungkuling ibinigay ninyo sa akong dahil wala akong kaakaman sa pagsulat at hindi tapos sa pag-aaral. Bakit hindi po ninyo ibigay sa nararapat?” ang sagot ng may akda.
                “Hindi ang tao ang nagpili ng Diyos, dahil ang diyos ay iisa lamang; subalit ang diyos ang pumili sa kanyang tauhan at sila’y kaniyang bibigyan ng karunungan, kaalaman sa lahat ng bagay, kapangyarihan at buhay na walang hanggan, at sila’y kaniyang dadalhin sa kaniyang kaharian, at doon ay kaniyang makapiling at maninirahan habang buhay”.
                Ang kaniyang pagsilang ay naging isang palaisipan sa kaniyang mga ninuno at  nakakatanda; samakatuwid ang pagsilang ay nakasaad na mula pa sa kaniyang mga ninuno. Sila ay may taglay na kapangyarihan ipinagkalood mula sa Dakilang Ama, upang maihanda ang Lupang Pangako para sa kaniyang pagdating.
                At ang lupang yaon ay ang maalamat na Puyange sa malayong dako ng isla sa Dinagat, Lalawigan ng Surigao Del Norte, hilagang kanluran ng Pilipinas.

                Bago isinilang ang dakilang pinuno, Divine Master Ruben Edera Ecleo, Sr., Ang yaong paraiso ay ppinagyaman na ng kaniyang mga ninuno. Sila ay inutusan buhat sa mga ispirituhanon at pinagkalooban ng kapangyarihan ispirituwal upang ipagtanggol ang lupang yaon laban sa mga masasamang ispiritu na gusting lumusob doon.

                Sila ang magpinsang Francisco at Crispulo buhat sa isla ng Guruan, Samar. “Ito ang lupang ipingako ng Dakilang Ama; tayo ay ipinapala para sa paghahanda ng kaniyang pagdating”.
                “Ating susundin ang kaniyang kautusan dahil mas higit pa siya kaysa sa atin. Mula ngayon at sa darating pang hererasyon, sa pamamagitan ng punong kahoy ng Puyange, na kung tawagin ay puno ng kahoy ng buhay, ang lupang ito ay tatawaging Puyange.

                “Ang sino mang kakain sa kaniyang bunga ay makakaroon ng buhay na walang hanggang at maninirahan sa kaniang piling habang buhay.”

                Ang lihim ng layunin ng magpinsan at ang nakatagong katotohanan ng Lupang Pangako ay lingid sa kaalaman ng ibang kamag-anak at mga kanayon doon sa Barangay Matingbe na kanilang tinitirhan.

                Ang malagubat ng bukirin ng Puyange ay nasa bahanging timog ng Matingbe. At ang bahaging kanluran ay dagat na nasa gitna na isla ng Lalaking Bukid, ang isla na kasinghugis ng nakahigang lalake, at isla ng Dinagat. Sa may kalangitnaang bahagi naman ng isla sa Dinagat ay makikita ang nakahigang Babaeng Bukid.
                At ang yaong kautusan ay nanatiling lihim ganundin ang Puyange. Datapwat ang naturang kalikasan ng Puyange ay nakapagbigay diin sa taong gusting pumasok at sumira sa mga kahoy at iba pang maybuhay sa loob ng gubat ng Puyange. At upang hindi mapinsala at magambala ang naninirahan hindi nakikita ng tao ay nagbigay parusa sa taong labas ng gusting sumira sa gubat na walang pahintulot buhat sa mga ispirituhanon.

                Gayunpaman hindi lubos maintidihan ng mga tao ang Puyange. Ito ay binansagang tahanan ng mga eskanto; samakatuwid ang nakatagong hiwaga ay hindi masisid kung ano ang tunay ng katotohanan nito.
                Maraming pagsubok ng kalikasan ang bumabagabag sa Lupang Pangako. Minsan inabot ito ng mahabang bago na puminsala sa magandang tanawin ng Puyange. Sa mga pagkakataong ganito, ang unang angkan at ang mga kanayon nito ay nabubuhay sa bunga ng puno kahoy na buhay na kadalasay tumubo sa paligid, sapagka’t sila at nahihirapan sa pagkain. Ang bunga ng Puyange at tanging tagapagligtas sa kanilang kahirapan.
                Hanggang dumating ang araw ng isinilang si Jose ang ikapitong anak ni Crispulo kay Pascuala. At buhat doon hanggang paglaki ni Jose ay iniatang na sa kaniyang balikat ang misyon sa paghanda sa Lupang Pangako.
                Ipinagkaloon din ng magpinsan ang ispirituwal na kapangyarihan buhat sa mga miyembro ng World Spiritual Division; at sa kaniya ay ipinagkatiwala ang pagpatuloy sa mga gawaing sinimulan.

                Si Jose ay likas na may taglay na kapangyarihan ispirituwal. Siya ay nagging bantog at tinaguriang Mediko sa isla sa Dinagat at karatig nayon at lalawigan. Iba’t-ibang klaseng sakit ng tao, kasama ang sakit ng ispiritu, ang kaniyang ginagamot; at silang lahat ay gumaling sa kanilang karamdaman.

                Ang mga ispiritung sumabaybay sa kanyang panggagamot ay nanggaling sa Puyange; at ang  mga ito ay kanyang nakakausap at nakakasama kahit saan siya magpunta. Subalit ang kaniyang mabuting Gawain buhat sa mga mabuting ispiritu ay tinutumbasan ng mga masasamang ispiritu na kumokontrol sa katawan at kaisipan ng tao upang hadlangan at buwagin ang kaniyang mabuting hangarin para sa mga maysakit.
                Isang bantog na mangkukulam at asuwang sa isla ng Dinagat ang matagal nang may masamang hangarinsa kaniya; ibig patayin sanhi ng mabuting Gawain sa panggagamot at pagtulong sa mga taong sa mga taong nangangailangan sa kaniya. Tangka siyang patayin isang gabi sa bayan ng Dinagat habang siya’y nanggamot. Ang masamang ispiritung lumukob sa katawan ng tao ay lumusob sa kanya upang patayin.

                Matapang at malakas ang asuwang; at inilipad si Jose sa himpapawid. Gayunpaman ang matibay ng paniniwala ni Jose sa Dakilang Ama ay nagbibigay sa kanya ng isang malakas na determinasyon upang hindi magwagi ang masamang ispiritu sa hangaring pagpatay sa kaniya.

                Ibinaba ni Jose ang asuwang mula sa himpapawidl; subalit sa bawat puno ng kahoy ng mahahawakan ni Jose ito ay nabuwal sa tindi ng galit at lakas ng kalaban. Kapangyarihan sa kapangyarihan ang labanan ng dalawa.

                Madaling araw na ngunit wala pa ring nanalo sa dalawa hanggang umabot sa umaga ang labanan; at nawalan ng lakas ang kalaban. Nagapi ang masamang ispiritu at lumayas; iniwan ang lupaypay na katawan ng tao.
                Ibinigay ng mga ispirituhanon ang isang babae para sa kaniya upang maging asawa; maging ina sa Dakilang Ama na nakasaad sa Propesiya.

                Siya si Justiniana Edera, anak ni Honario Edera na nakatira sa maalamat at puno din ng mga kababalaghang isla ng Cab-ilan. Si Honario ay isa sa tatlong unang mga tao na naninirahan sa yaong isla. Sa pamamagitan din ng kautusan ng mga ispirituhanon sila ay piniling naninirahan upang ang isla ay mapangalagaan at maihanda ang pagsilang ng batang yaon.

                Ikinasal ang dalawa noon taon 1920; at sila ay tuluyang naninirahan sa tahimik ng paraiso ng Puyange. Sila ang unang angkang nangangalaga sa Lupang Pangako.
                Puno ng pagmamahal na kanilang inaaruga ang lupang yaon bilang pagsunod at pagtupad sa kautusan. Isang munting dampa lamang ang kanilang tahanan subalit ito ay punong-puno ng biyaya mula sa mga ispirituhanong naninirahan doon.

                Ang Puyange ay tinamnan ng mga puno ng niyog at iba pang mga puno ng prutas; maliban doon sila ay nagtanim din ng mga siplementong pagkain katulad ng kamote, kalibre at iba pa. Sa kanilang pagmamahalan ang mag-asawa’y binigyan ng mga supling; at sa paglaki sa kanilang mga anak ay nagging kaagapay sa pagpapaunlad ng Puyange at sa kanilang pamumuhay.

                Ang magkakapatid ay sina; Espiritu, ang panganay; Nicholas, ang pangalawa; Orsenciana, ang pngatlo; Uldarica, ang Pag-apat; at si Moises ang panglima. Ang kani-kanilang pagsilang ay katulad lamang sa karaniwang ipinapanganak na mga bata.

                Samantala, ang tungkuling pangpamilya ay dibdibang binabalikat ni Jose upang kahit sa kanilang kahirapan at malayo sa kabihasnan ay mabigyan ng magagandang kinabukasan ang pamilya. Isinubsob ang sarili sa pagtatrabaho sa kaniyang bukirin sa araw; at sa gabi nama’y nanghuhuli ng isda sa laot.

                Subalit ang mga gawa ng mga ispirituhanon doon ay malimit na nagpahiwatig sa tao na ang lupang yaong ay banal na pinakaingat-ingatan ng mga ispirituhanon. Sila ay nagbigay ng parusa sa sinumang mangahas sa paggalaw sa anumang bagay doon na walang pahintulot galing sa kanila.

                Madalas din ang pagsubaybay nila kay Jose na kung saan ay sila na mismo ang gumawa para sa kanya katulad ng pangingisda; nakita ng ibang mangingisda ang bangka ni Jose sa Laot na walang tao na naghuhuli ng isda.

                Naging karaniwan lamang ang ganung tanawin sa pamilya lalong-lalo na kay Justi; marahil ay tumanda siya sa ganong tanawin sa isla ng Cab-ilan na kanyang kinagisnan. Ang mga bagay na yaon ay kinikimkim na lamang ni Justiniana sa kanyang sarili.

                At dumating ang panahon na nakasaad sa propesiya buhat sa unang angkan. Makakamtan ng ina ang pagdadalantao sa pag-anim na anak; at kaniyang mararamdaman habang ang kanyang tiyan ay patuloy sa paglaki.
                At kapwa nila naramdaman ang unti-unting pagbabago sa sarili. Ang ina’y halos mababaliw sa tindi ng sakit ng tiyan; at ang ama nama’y unti-unting naglalaho ang kapangyarihan taglay nang kaniyang gamutin ang asawa nasa matinding paghihirap sa pagdadalantao.

                Ang ama’y puno ng mga agam-agam sa biglang pangyayari; ang kaniyang mga kaagapay na mga ispirituhanon ay bigla na lamang naglaho at hindi na nagbigay ng payo at paraan kung ano ang kaniyang dapat gagawin.
                At kaniyang namamasdan ang asawa; minsan ay biglang sumigaw, at magsabing sasama siya sa kanila doon sa kanilang lihim na tahanan. Ngunit ni hindi man lamang nila nakikita ang mga taong kaniyang tinutukoy.

                Biglang tumalon sa bahay, at tumakbo hanggang ang ina’y biglang maglalaho sa kanilang paningin, ito ang madalas mangyayari sa kaawang-awang inang taglay sa kanayang sinapupunan ang batang katugon na nakasaad sa propesia.
                Si Soleng, ang nakababatabang kapatid ni Justiniana, ang siyang tangin tagapag-alaga ng kapatid dahil ang mga bata ay nagsipag-aral sa Lungsod ng Surigao. Sa mga pagsusumpong ng sakit ng tiyan, at ang paglitaw sa mga Amerikanong sinasabo ng kapatid na hindi namn niya nakikita, ay siya ang nakikiramay sa mga pagsasakrispisyo ng kapatid.

                Naging malapit na ang takdang panahon sa pagsilang ay naging tumindi lalo ang pagsusumpong, lalong higit na naguguluhan ang ama na dati-rati’y ubod ng kapangyarihang taglay na kahit anong klaseng sakit ay kaya niyang gamutin. Subalit sa nalalapit na takdang araw na isisilang ang anak, ay wari’y nagugulumihan mandin; at ang yaong kalagayan ng asawa’y bumagabag sa kaniyang kaisipan.
                Isang magandang araw nang 29 ng Nobyembre, 1934; magandang araw dahil maganda mandin ang pakiramdam ng ina ay maluwalhati, at nagyayang sumama sa kaniyang pangunguha ng tayum sa dagat, ang paboritong pagkain sa kanyang paglilihi.

                Ang huli naman ay ayaw pumayag baka bigla itong sumpungin; pangalawa’y mainit anf panahon sa tanghali at ito’y makakasama sa kanyang katawan gawa sa malapit niyang panganganak. Subalit si Jose ay pumayag na rin sa pagpupumilit ng huli.

                Kasalukuyang nangunguha si Jose ng tagum sa baybayin ng Puyange. Ang araw ay may kainitan na at nagpapatuloy pa sa pagpanguha ng tayum habang ang asawa’y masayang kumakain sa kaniyang paborito. Hindi nila napansin na umaabot na ng alas onse ng tanghali ang kanilang pagtagal sa dagat.

                Nasa gayong gawain ang mag-asawa ng maya-maya’y umalingawngaw ang iyak ng isang sanggol ang kanilang narinig. Napatigil ang mag-asawa; maigeng pinakinggan kung saan nagmula ang boses na iyon.
                Si Jose ay lumapit sa asawa na nakaupo sa maliit na bangkang kaniyang sinasakyan at nagtanong. “Justi,narinig mo ba ang iyak ng isang sanggol?”

                Mariing minamanmanan ang buong paligid; “Oo nga ano, isang iyak ng sanggol; ngunit nasaan kaya nagmula ang iyak ng batang ‘yon? At ang nakapagtataka’y tayo lamang ang naninirahan ditto at walang bagong isinilang na bata!”
                Sinuri ni Jose ang buong paligid; sa itaas ng pampang, sa ilalim ng mga punong kahoy, sa dalampasigan at sa may mga naglalakihang bato subalit walang isang natagpuan bata.
                Mula sa kanyang kinalalagyan ay tinawag siya ng kanyang asawa na buong pagkamangha sa kanyang nasaksihan sa sarili; “Jose! Halika, tingnan mo, Jose! Halika!”

                Nagmamadaling lumapit si Jose mula sa kaniyang kinatatayuan; Bakit?”
                “Halika,O, tingnan mo ang tiyan ko; gumagalaw ang bata sa loob ng tiyan!”
                Inilapit ni Jose ang taingan sa tiyan ng asawa at buong gulat sa nasaksihan; “Justi! Umiiyak ang bata sa loob ng iyong tiyan! Pambihira!”
                “Anong ibig sabihin nito, Jose? Anong palatandaan sa kanyang pagkatao?”
                “O, Panginoon, anong kababalaghan! Panginoon ko, ito na ba ang katuparan sa nakasaad? Kami po ay nagagalak at malugod naming tatanggapin ng buong pagmamahal ang batang ito.”

                Nagpatuloy ang malakas na pag-iyak ng sanggol na nasa sinapupunan ng pinagpalang ina na si Justiniana. At mula sa may kalayuan ng dalampasigan ay narinig ng tatlong tao na dumaan doon papunta sa kanilang bukirin sa unahan ng Puyange. Sila ay Sina Pascuala, Oya Paco kung tawagin ang ina ni Jose; si Enrique Ecle, Pinsan ni Jose; at isang kasamang babae.

                Natitigilan ang tatlo sa narinig, at nakita nila ang mag-asawang Jose at Justiniana na nasa dagat at nag-uusap. Sila ay lulusong sa dagat at lumapit sa dalawa at sila’y nagtanong; “Justi! Jose, may narinig ba kayong iyak ng isang sanggol?”

                Hindi mawari ng mag-asawa kung ano ang isasagot sa tatlo, ang katotohanan bang umiyak ang sanggol sa sinapupunan, o magsisinungaling at itago na laman at manantiling lingid sa kanilang kaalaman ang katotohanan.

                Sila’y nagkatinginan bago sumagot; “Ah,eh, wala! Bakit, may narinig ba kayo?’
                Sumagot ng mariin si Oya Paco; “Hindi n’yo ba narinig? Umaalingawngaw ang iyak ng sanggol sa buong Puyange!”
                Hindi nakaimik ang mag-asawa; hinihintay na lamang ang susunod pang mangyayari na sa madali’t malaon ay natutuklasan ng tatlo ang kanilang hinahanap.

                Namamngha ang matanda sa natuklasan kay Justi, at napatitig sa kaniyang tiyan; Justi! Ang tiyan mo gumagalaw!.. Panginoon ko po! Ang bata, sanggol sa loob ng tiyan mo ay umiiyak!”
                “kababalaghan!” “Ang kanyang pag-iyak ay isang palatandaan; palatandaan na malapit niyang pagdating!”

                “May ibig sabihin ang kanyang pag-iyak, ating tatanungin!” “Naniniwala kami na ikaw ay may taglay n akapangyarihan galling sa kaitaasan; kung an gaming paniniwala ay tama, ikaw ay tumigil na sa pag-iyak.”

                “Ang kanyang pagsilang ay nakasaad na mula pa sa kaniyang mga ninuno. Datapwa’t ang mga hiwaga at kababalaghang kakambal sa kaniyang pagkatao ay bumabagabag sa ating murang pang-unawa.”
                Lumalakas ang pag-iyak ng sanggol sa loob ng sinapupunan ni Justiniana; at dumadagundong ang tinig na umalingawngaw sa baybayin, sa pampang, at gubat ng Puyange. Ang pag-iyak ay nagpahiwatig sa nalalapit na panahon takda sa kanyang pagsilang upang isakatuparan ang mga propesiya ng Dakilang Ama buhat sa kaniyang mga ninunong pinagkaloobab ng kapangyarihan; at ang malaking pagtitiwala na buhat sa kanilang angkan, dugo at laman, ay isisilang ang maghahari sa sanlibutan.

                Samantalang nanatiling nahinahon ang mag-asawa tanda ng pagtanggap sa kagustuhan ng Dakilang Ama. At sila ay napuno ng biyayang mula sa langit na itong mahiwang bata na napuno ng kababalaghan ay tinatanggap ng buong pagmamahal.

                Ang tatlo ay sumasamba at nanalig sa katotohanang nasaksihan; tanda ng taos-pusong pagpuri at nagtatanong;
                “Ikaw ba ang nakasaad sa Lupang Pangako?”
                At sa kanilang pagkamanha’y biglang humuhina ang pag-iyak tanda ng pag-sang-ayon sa mga tanong ng mga matatanda. Buong galak at pananabik ang mga katagang namumuuutawi sa kanilang mga labi sapagpuru at pagsamba; at mariing sinundanay napuno ng biyayang mula sa langit na itong mahiwang bata na napuno ng kababalaghan ay tinatanggap ng buong pagmamahal.
                Ang tatlo ay sumasamba at nanalig sa katotohanang nasaksihan; tanda ng taos-pusong pagpuri at nagtatanong;
                “Ikaw ba ang nakasaad sa Lupang Pangako?”
                At sa kanilang pagkamanha’y biglang humuhina ang pag-iyak tanda ng pag-sang-ayon sa mga tanong ng mga matatanda. Buong galak at pananabik ang mga katagang namumuuutawi sa kanilang mga labi sapagpuru at pagsamba; at mariing sinundan pa ang pagtatanong.

                “ikaw ba ang magdadala ng tunay na kapayapaan ng buong sanlibutan?” At ang pag-iyak ay unti-unting humihina pagkatapos ng tanong ni Oya Pascuala. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa nagdadalantaong ina; buong-hininga’y halos pisilin sa paghintay sa susunod na mangyayari.
                Ang paraiso ng Puyange ay may ibayong lakas ng kapngyarihan na bumabalot sa kanila. At binitawan ang pangatlo at huling tanong ng matanda;

                “Ikaw ba ang magiging Hari ng mga Hari?”
                At sa isang iglap ng mata’y bumalot ang nakabibinging katahimikan; bilang tumigil ang sanggol sa pag-iyak. Ang matatanda’y natigilan; nagtitigan, wari’y ang kanilang mga mata ay nag-uusap sa pagpuri sa Dakilang sanggol. Hinaplos ng ibayong damdamin ang kanilang mga puso.

                Sa kanilang pag-uwi sa tahanan, si Jose ay nangangamba sa nalalapit na panganganak ng asawa. Bagamat buo ang loob sa pagsagupa sa mga hamon ng pagsubok, at malakas ang pananalig at paniniwala sa sariling kakayahan bilang isang Mediko, si Jose ay nagpasiya na dalhin ang asawa sa Cab-ilan at doon na lamang maghintay sa kaniyang panganganak sa bahay ni Bencio Edera, ang nakakabatang kapatid ni Justiniana.

                Ang pagpasiya ni Jose ay upang mapahandaan; sa dahilang palibhasa’y nag-iisa lamang siya sa Puyange at walang makatulong sa kaniya kung sakaling mahirapan ang asawa sa panganganak.
                Sa Cab-ilan ay naroon ang maraming kamag-anak ng kanyang asawa; at marami sa kanila ang nakatutulong kung saka-sakali. Dinala ang asawa at doon naghihintay ng takdang panahon.

                Si Pandoy, ang anak ni Bencio, humigit-kumulang sa labing-apat na taong gulang ang edad, ang siyang katuwang ni Jose sa pag-aalaga sa asawa at sa pag-aasikaso sa bahay. Kung wala ang ama at si Jose, Si Pandoy ang naiwan sa bahay kasama ang tiyahin.

                A nuwebe ng Disyembre, 1934 sa ganap na alas dos’ medya ng medaling araw, si Pandoy at inutusan ng tiyahin na magpakulo ng tubig; habang ang tiyuhin ay nangghuhuli ng isda sa laot. Tahimik ang paligid at napupuno ng mga bituin ang langit na tanging tumatanglaw sa matahimik na isla.

                Sa ganung kalagayan, ang binatilyong si Pandoy ay biglang nagising at nagulat sa isang malakas na iyak ng bagong silang na sanggol. Pinagmasdan niya ang paligid kung saan nagmula ang boses na iyon at natiyak niya na ito ay nagmumula sa kinaroroonan ng tiyahing natutulog.

                Labis siyang natuwa dahil tiyak niya na naganak na ang kawawang tiyahin na buhat ng magdalangtao ay walang tigil ang paghihirap na nararamdaman. Sa labis na katuwaan, Si Pandoy ay nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ng tiyahin upang Makita ang bagong sanggol na nagpapahirap ditto. Tiyak niyang nahihirapan ang tiyahin at kailangan nito ng tulong kaya gayon na lamang ang kaniyang pag-aalala dahil siya ay nag-iisa lamang sa bahay.

                Sa pag-aakalang biglaan ang panganganak ng tiyahin, hindi niya malaman ang gagawin; at hinagilap ng kanyang mga mata sa dakong unahan ng karagatan ang tiyuhin.
                Nakarating siya sa kinaroroonan ng tiyahin umalingawngaw ang malakas ng iyak ng bagong silang na sanggol subalit natagpuan niya ang tiyahin na natutulog ng mahimbing at walang bagong silang na sanggol gaya ng kaniyang inaakala.

                Hinanap niya ang pinagmumulan ng iyak ng sanggol at siya’y namangha sa kaniyang nasaksihang kababalaghan. Ang pagkalito’y bumabalot sa murang kaisipan ni Pandoy habang bumabalik siya sa kaniyang Gawain sa kusina, ngunit sa kanyang murang pag-iisip ay naintindihan niya ang pambihirang pangyayaring iyon: ang pag-iyak ng sanggol sa loob ng sinapupunan ay hindi karaniwan sa mata ng tao. Alam niya na hindi siya namamalik-mata at dinig na dinig niya ang pag-iyak ng sanggol na umalingawngaw sa buong Cab-ilan.

 Isang bagay laman ang kaniyang naiintidihan, na ang sanggol na nasa sinapupunan ng tiyahin ay hindi karaniwan at ang kanyang pag-iyak ay tila may ibig ipahiwatig sa kanyang nalalapit na pagsilang.
Nasa ganung malalim na pag-iisip si Pandoy kaya hindi niya napansin ang kakaibang liwanag na bumabalot sa paligid ng tahanan. Iba’t-ibang kulay ang kumikinang na pumuno dito. Maya-maya’y napansin ni Pando yang liwanag. Inalam niya kung ito ay nanggaling sa mga mangingisda sa laot. Dahil sa kakaibang kagandahan ng liwanag, siya ay bumaba at tiningnan niya kung saan ito nagmula.

Sinalubong siya ng tahimik na kapaligiran ng Cab-ilan, walang liwanag maliban sa ilaw na nagmumula sa mga mangingisda at sa mga bituin, subalit wala doon ang hinahanap na piangmulan ng pambihirang liwanag na bumabalot sa kanilang tahanan.
Tiningnan niyang muli ang kalangitan hanggang nakita niya ang isang malaking bituin na ang liwanag ay lumulukob sa kanilang tahanan. Kumikinang ang iba’t-ibang naggagandahang kulay ng liwanag; kumikislap, waring nagpapahiwatig na malapit ng matupad ang nakasaad sa Lupang Pangako.

Ang mapalad na si Pandoy na tanging saksi sa paglitaw ng maliwanag na bituin ay nabighani sa kagandahan nito. Naramdaman niyang ang kalikasan ay nagsasaya: ang mga isda sa karagatan, ang mga bituin sa kalangitanan, ang mga hayop sa kapaligiran, ang mga punong kahoy at ang iba pang may buhay na sa gabing iyon ay puno ng kaligayahan na sa wari’y naghihintay sa pagdating ng Dakilang Ama.
“Kay palad ng sanggol na nasa sinapupunan ng kaniyang ina na nagdanas ng matinding hirap at sakit dahil sa halos hindi makayanang pagdadalantao.”

Mula sa liwanag na iyon ay narinig niya ang magagandang musikang puno ng kaligayahan: Ang Dakilang Ama’y handa na mula sa kaitaasan.
Napuno ng kaligayahan ang kaibuturan ng puso ni Pandoy sa mga ipinapahiwatig sa kanya at sa mga nasaksihan niya sa kanilang maralita at maliit na bahay na pinuno ng mahiwagang liwanag mula sa malaking bituin na lumitaw sa kalangitan.

Sa labis na katuwaan ay naisip na gisingin ang tiyahin upang ipaalam ang napakagandang tanawin. Nagmamadali siyang umakyat, ngunit sa isang kisap-mata ay biglang naglaho ang mahiwang bituin. Napatigil siya at lalong tumindi ang pagkalito sa mga kababalaghang nasaksihan.
Maaga pa ay hindi na mapakali si Justiniana dahil sa halos walang tigil na pagkirot ng kanyang tiyan. Iyon ang kaniyang kabuwanan, ika-siyam ng Diyembre, at takdang panahong nakasaad sa propesiya ng kanyang mga ninuno. Tumitindi ang pananakit ng kanyang tiyan at halos mapasigaw siya sa matinding sakit na nararamdaman.

Si Jose ay nakahanda na sa ganong pangyayari. Naroroon na ang hilot at ang pang kamag-anak na kababaihan na handang tumulong sa kanyang panganganak. Pinahiga at pinagyaman nila si Justi sa banig na nakalatag sa sahig. Iyon lamang ang kaniyang nakayanan dahil sila ay mahirap lamang at nabubuhay sa panghuhuli ng isda.

Sa ganap na ika-pito ng umaga isinilang ang Dakilang Sanggol; malusog, pamotu at magandang lalake katulad ng isang batang Americano. Kasabay sa kanyang pagsilang ay nawalan ng ulirat ang kawawang ina dahil sa hindi nakayanang hirap sa kanyang panganganak.

Muling pinagyaman ang sanggol at ang ina. Pagkalipas ng ilang sandali ay muli itong nagkamalay at biglang bumangon. Subalit wala na ito sa wastong pag-iisip, siya ay mistulang baliw.
Nabigla ang lahat sa hindi inaasahang pangyayari sa kawawang ina. Sa pagkakaupo’y inilinot ang paningin sa paligid, nakadilat ngunit blanko, humahalakhak at humahagulgol. Muntik niyang maapakan ang sanggol kundi sa mabilis na pagdampot ng hilot at inilayo ito sa kanyang ina.

Walang sino mang nakapigil dito dahil sa labis na pagkabigla. Matulin siyang tumakbong pababa ng bahay patungong dalampasigan. Si Jose at ang ibang kasamahan ay sumusunod sa asawang nawawala sa sarili. Subalit pagdating sa pampang ng Cab-ilan ito’y biglang naglaho. Hinanap nila ito ngunit kataka-takang walang bakas o palatandaang makikita kung saan siya nagpunta. Sinuyod nila ang lahat ng dako ng isla; sa ilalim ng dagat, sa loob ng kuweba, sa ilalim ng mumunting gubat at halos nahalughog na nila ang buong bahagi ng isla ng Cab-ilan. Sila ay nagtataka dahil maliwanag ang sakit ng araw at ang isla ay maliit lamang at kayang libutin sa loob ng isang oras lamang subalit hindi nila ito natagpuan.

Bagong panganak ang nawawalang ina at ang dugo’y pumapatak galing sa kanyang sinapupunan subalit sa kanyang paglaho’y naglaho rin ang mga bakas nito upang ang misteryo sa kaniyang pagkawala nito. Tanging si Jose na lamang ang nagtiyaga at nagbakasaling muling matagpuan ang kanyang asawa. Ang mga islang kalapit ng Cab-ilan ay pinuntahan din niya. Iniisip niya na kung ito ay sumakay, lumangoy o nalunod man ay natagpuan na sana nila ngunit ni-ano mang palatandaan ay wala siyang makita.

Sa ikapitong araw ng kanyang paghahanap ay tila hindi niya maunawaan ang kanyang sarili at siya ay puno ng katanungan. Ang taglay niyang kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya ay nawalan ng bisa, ang pikikipag-ugnayan niya sa mga ispiritu ay natigil at hindi na nagpapayo sa kanya at silang lahat ay hindi na nagpapakita.

Nawala ang kapangyarihan ni Jose. Wala ng ispirituhanon na maari niyang kausapin. Nang hapong iyon ay pumunta siya sa Puyange na dala ang pitong araw na gulang na sanggol; at dala ang kabiguan na nakita pa ang asawa. Siya ay nakarating sa kanilang maliit na bahay sa Puyange. Mabigat ang katawan dala marahil sa sobrang pagod at puyat at dahil sa mga hiwagang bumabagabag sa kanyang kalooban.
Ang kalungkutan at bumabalot sa kaibuturan ng kanyang puso habang pinagmamasdan ang kanyang tahanan, at ang paminsan-minsang pagsulyap sa kanyang anak na iniwanan ng ina ay hindi niya mapigil ang pagpatak ng luha.

Sa loob ng pitong araw ang sanggol ay kung kanino na lamang dumide at kung minsan ay tubig ang ibinibigay dahil sa malayo sila sa lungsod ng Surigao at siya ay abala sa paghahanap sa nawawalang asawa.
Ang pagsilang ng anak nakatakda na ayon sa kanyang ama subalit ang pagkawala ng kanyang kapangyarihan at ang pagsilan ng mga kaibigang ispirituhanon ay nag-uudyok sa kanyang pagtatanong: “Ama! Anong kababalaghan ito?”

Sa halip na pumanhik sa bahay siya ay lumakad patungo kanilang bukirin. Tila may ibang lakas ng kapangyarihang nagtutulak sa kanya at hindi mapigil  ang sarili sa pag-akyat sa itaas ng kanilang bukirin. Nakarating siya itaas at mula doo’y matatanaw ang kanilang bukirin, ang magagandang tanawin. Sa harap nito’y dagat na napapagitnaan ng Puyange at ang maalamat ding Lalaking Bukid.

Ang araw ay palubog sa bundok ng Lalaking Bukid at ang sinag ay nagbibigay ng kakaibang liwanag na bumabalot sa magagandang tanawin sa buong paligid.
Natanaw niya ang malaking bato sa gitna ng kanilang bukirin. Isang tanawin ang nakatawag sa kanyang pansin. Lumapit siya doon upang alamin kung ano ang bagay na iyon. Malakas ang kaba ng kanyang dibdib sa kanyang nakita. Ito’y walang iba kundi ang kanyang nawawalang asawa na nakaupo sa ibabaw ng malaking bato. Nagmamadaling nilapitan niya nito upang matiyak na hindi siya nagkamali.

Mahirap akyatin ang malaking bato subalit sa labis na kagalakan na nakita niya ang asawa ay madali siyang nakarating sa tuktok ng bato kasama ang sanggol. Hindi niya inaasahan na matagpuan niya ang asawa sa lugar na iyon at siya ay nagtataka kung paano ito nakarating doon.

Si Justi ay nakatingin sa lumulubog na araw sa kanluran ngunit tila blanko at wala siyang nakikita. Ang damit niya ay napakarumi at naroon pa ang bakas ng mga natuyong dugo mula sa kanyang panganganak.
Ang mga luha’y nag-unahan sa pagpatak sa pisngi ni Jose dahil sa labis na awa sa hirap na dinanas ng asawa buhat ng magdalagtao hanggang sa panganganak. Hindi niya lubos na maunawaan ang mga pangyayaring nababalot ng misteryo at hiwaga.

Nilapitan niya ang asawa at sa garalgal ng tinig, “Justiniana, asawa ko” Wari’y nagising mula sa malalim na pagkahimbing si Justi, Natauhan ito at hinanap ang pinagmulan ng boses. Tumambad sa kanyang paningin si Jose, kumislap ang kanyang mga mata ng makilala niya ito; “Jose!”, at sila’y nagyakap ng mahigpit at ang sanggol na nasa pagitan nila.

Nanatili sila sa ganong kalagayan sa mabahang sandali. Sabik ang dalawa na para bang matagal silang hindi nagkita. Kapwa sila napaiyak upang maibasan at malunasan ang bigat ng loon at kapighatiang nararamdaman. Biglang napahinto ang dalawa sa malakas na pag-iyak ng sanggol na gising, “Kaninong sanggol ito Jose?”, ang tanong ng naguguluhan ina. “Ang anak mo, ang anak natin. Isinilang mo siya pitong araw na ang nakalipas. Sa kanyang pagsilang ay nawalan ka ng ulirat at ng magbalik ang iyong malay ay wala sa wasto ang iyong pag-iisip. Bigla kang tumayo at tumakbo sa labas ng bahay. Naglaho ka sa Cab-ilan na ipinagtataka ng lahat. At higit sa lahat ang aking ipinagtataka ay paano kang napunta dito sa ibabaw ng bato. Tingnan mo ang iyong sarili, puno ng mga natuyong dugo.”

Kinuha ang sanggol at hinagkan ng mariin ng ina. Humagulgol sa kaawa-awang dinanas ng kanilang buhay. Kahit ang ina ay hindi kayang sukatin ang mga misteryo sa pagkatao ng sanggol. Hindi niya naunawaan ang mga pangyayaring naganap sa kanyang pagsilang. Iniangat ang umiiyak na sanggol at tumingala sa langit; “Panginoon ko, sino ang bata ito?”

Kahit nahirapan si Jose ay nakababa sila ng maayos sa ibabaw ng malaking bato. Bumalik sila sa Cab-ilan ng walang kasagutan ang mga katanungan sa mga pangyayari.
Nagtataka ang mga tao sa pagdating ni Jose na kasama ang asawa na muling nagbalik sa katinuan ang pag-iisip. Hindi sila makapaniwalang muli pang matatagpuan si Justi.

Sa kanilang pagbabalik a ipinasya ni Jose na pumunta sa dagat upang mangisda na kanyang napabayaan buhat ng maglaho ang asawa. Inihanda niya ang mga kakailanganin niya at pumunta siya sa dalampasigan upang kunin ang bangkang sasakyan. Sa paghila niya sa bangka ay nakaramdam siya ng matinding antok at ang katawan ay halos hindi makayanan ang labis na pagod. Pinilit niyang hindi makatulog at inisip na ang nararamdaman ay dala lamang ng mga hiwagang nangyayari sa kanila. Subalit hindi niya napigil ang sarili at siya ay nahiga at nakatulog sa dalampasigan.

Nasa ganong kalagayan si Jose ng lumapit ang tatlong Ispirituhanon: “Gumising ka Jose, gumising ka!” Bumangon si Jose at siya’y nabigla sa kanyang nakita.
“Huwag kang matakot sa amin Jose. Panahon na upang malaman mo ang mga magagandang bagay tungkol sa iyo at sa iyong asawa. At higit sa lahat sa banal na Sanggol na iyong anak”.

“Alam namin na ikaw ay naguguluhan sa mga pangyayari, at sa mga pangyayari sa iyong asawa. Mapalad ka Jose, mapalad ka.” Ang ina na nagpakasakit sa pagdadalangtao ay sumugaw sa labis na pighating naramdaman.
“Ang nakasaad sa propesiya ay matutupad na. ang banal na sanggol ay maghahari sa sangkatauhan at sa buong sanlibutan. Dinala namin ang iyong asawa sa Puyange, sa kaharian ng iyong Anak at doon ginamot.”
“Mapalad ka Jose, higit sa lahat ang iyong mga kapatiran dahil ikaw ang angkang pinagmulan ng pamilya ng Diyos.”

“alagaan mo ang sanggol at ang Banal na Lupa sa Puyange sapagkat ang panahon na nakasaad ay darating na. Ang banal na Sanggol ay pupurihin at sasambahin sa sanlibutan. Siya ang magdadala ng tunay na doktrina ng Diyos sa buong sanlibutan at magbibigay liwanag sa sangkatauhan upang madama ang tunay na kapatiran.”
“Mapalad ang ina, ang Dakilang ina na sa kanyang sinapupunan nagmula ang Banal na Sanggol.”
“Sa kanyang pagdating, ikaw ay nawalan ng kapangyarihan sapagkat ang kapangyarihan mong taglay ay naggaling sa kanya. Siya ang kahapon, ngayon at bukas; ang simula at ang katapusan.
“Doon sa bundok ng Puyange ay itatayo ang kanyang kaharian kasama ang kanyang mga pinili upang doon ay manirahan ng bahang buhay. Tandaan mo, alagaan at mahalin mo sila.”
At hanggang ngayon more information about Divine Master Ruben Edera Ecleo Sr Visit this site.http://pipl.com/directory/name/Ecleo/Ruben



 Encode & Publish by:
 JIMBO ANDICO JUMUAD
“Missionary of P.B.M.A Inc.”




















































































































Walang komento:

Mag-post ng isang Komento